Sa inilibas na abiso hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi, nasa walo na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng sakit sa San Juan City.
Nagpakonsulta ang isang 57-anyos sa lalaking residente ng Barangay Greenhills makaraang makaranas ng ubo at sipon.
Nang masuri, dito lumabas na positibo sa COVID-19 ang pasyente.
Miyerkules ng gabi, dinala aniya ang pasyente sa tertiary hospital sa Metro Manila.
Sinabi ng alkalde na stable naman ang kondisyon ng pasyente.
Muli namang hinikayat ni Zamora ang mga taga-San Juan City na ugaliin ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig.
Maaari ring gumamit ng alcohol na may 70 porsyentong solution.
Iwasan din ang paghawak sa mata, ilong at bibig.
Sinabi pa ng alkalde na ugaliin ang pagsasagawa ng disinfection sa kanilang paligid.