Pangulong Duterte nakiramay sa mga nasawi sa gumuhong quarantine area sa COVID-Q9 sa China

Photo grab from PCOO Facebook video

Personal na ipinaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pakikisimpatya kay Chinese Ambassador Huang Xilian sa mga nabiktoma ng Coronavirus Diseases o COVID-19 sa China.

Ginawa ng pangulo ang pakikisimpatya sa courtesy call, Miyerkules ng gabi, ng ambassador sa Palasyo ng Malakanyang.

Nakiramay din ang pangulo sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pagguho sa quarantine area sa Quanzhou sa Fujian kung saan nagpapagaling ang mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Hangad naman ng pangulo ang agarang paggaling ng ibang pasyente na tinamaan ng sakit.

Bilang tugon, ipinaabot naman ni Huang ang pakikiisa ng China sa Pilipinas sa paglaganap sa COVID-19.

Nagsimula ang sakit na COVID-19 sa Wuhan, China.

Bukod sa COVID-19, tinalakay din nina Pangulong Duterte at Huang ang economic cooperation ng China at Pilipinas.

Read more...