172 Filipino pilgrims galing Israel isinailalim sa self-isolation sa Naga City

Nakasailalim na sa self-isolation sa Naga City ang 172 na Filipino pilgrims na nagtungo sa Israel kamakailan.

Umuwi ng Camarines Sur ang nasabing Filipino pilgrims sa magkakasunod na araw noong Maarch 7, 8, 10 at 11.

Agad silang pinahanap ng lokal na pamahalaan para maabisuhang magself-quarantine.

Ipinaalam din sa kanila ang protocols na dapat nilang sundin sa loob ng 14 na araw.

Ayon kay Naga City Mayor Nelson Legacion, tatlo sa kanila ay kinuhanan na ng swab sample para mapasuri sa COVID-19.

Pinayuhan din silang agad magpasuri sa sandaling makaranas ng sintomas ng flu.

Read more...