Aresto at kaso ang kakaharapin ng mga hoarder o nag-iimbak ng alcohol, hand sanitizer, face mask at iba lang basic at key commodoties na pangontra sa coronavirus disease o COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, papatawan ng kaukulang parusa ang sinumang magsasamantala sa sitwasyon ngayon dahil nakalilikha lamang ito ng pagtataas sa presyo ng mga bilihin.
Ayon kay Panelo, hindi rin sasantuhin ng palasyo ang mga reseller na nagbebenta ng sobra-sobrang presyon sa mga basic commodoties.
“The Office of the President hereby gives warning to those hoarding vital commodities, which create a hike in the prices, as well as selling them beyond their regular prices, that their actions will be dealt with accordingly in pursuance of public safety and order. Those who unscrupulously take advantage of the health crisis will also be arrested and dealt with in accordance with law,” ayon kay Panelo.
Una nang umapela ang palsyo sa publiko na huwag mag-panic buying at huwag mag-imbak ng suplay ng sobra-sobra.
Samantala sinabi ni Panelo na muling magpupulong ngayong araw ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases para talakayin ang urgent measures para sa pagresponde sa COVID-19.