Session calendar handang baguhin ng Kamara para malabanan ang COVID-19

Nakahanda ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na palitan ang kanilang kalendaryo para magtuloy-tuloy ang kanilang sesyon.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano ito ay upang makatugon sila sa banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sabi ng lider ng Kamara kung nais din itong gawin ng senado ay maari silang mag-usap upang mapalitan ang Congress calendar.

Kung may mga commitments naman anya ang senado at hindi nais palitan ang kanilang kalendaryo ay ang mga committee hearing at roundtable discussion na lamang ang kanilang itutuloy sa Kamara.

Isa anya ito sa kanilang ikinunsidera pero nagpasya sila na mag adjourn na ng session kagabi para sa Lenten break.

Gayunman, handa anya sila na magsagawa ng special session anumang oras.

Hindi naipasa ng Kamara sa pagsasara ng kanilang sesyon ang panukalang P1.65B supplemental budget para sa Department of Health na gagamitin panlaban sa COVID-19.

Read more...