Pasok sa trabaho sa CHR suspendido pa rin

Sinuspinde muli ng Commission on Human Rights (CHR) ang pasok sa trabaho sa kanilang mga tanggapan ngayong araw (March 12).

Sakop ng suspensyon ang CHR Central Office, kasama ang CHR-NCR at CHR Region IV-B.

Ayon sa pahayag ng CHR, patuloy pa rin ang disinfection procedures sa kanilang mga opisina.

Mananatiling bukas ang hotline numbers ng CHR para sa mga importanteng human rights concerns.

 

 

Read more...