Mahigit P61M na halaga ng shabu nakumpiska sa isang suspek sa QC

Arestado ang isang lalaki na hinihinalang tulak ng shabu makaraang mahulihan ng mahigit P61 million na halaga ng ilegal na droga sa Quezon City.

Ang suspek ay kinilalang si Mark Anthony Gregorio Carlos na dinakip sa isang fast food chain sa Quezon Avenue.

Nakuha ng mga tauhan ng Quezon City Police sa suspek ang 9 na kilo ng shabu na tinatayang aabot sa P61.2 million ang halaga.

Dinala na ang mga nakumpiskang ilegal na droga sa Crime Laboratory Office ng PNP para isailalim sa technical examination.

Read more...