Road inspection event sa NLEX na dinaluhan ng isang COVID-19 patient, dinaluhan din ni Pangulong Duterte

Photo grab from PCOO Facebook video
Kinumpirma ni Transportation Sec. Arthur Tugade na sa isang road inspection event sa North Luzon Expressway noong March 5 niya nakasalamuha ang isang pasyenteng nakumpirmang positibo sa COVID-19.

Ayon kay Tugade, ang naturang event ay dinaluhan din ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang event ay inspeksyon sa NLEX Harbor Link C3-R10 na nakatakdang magbukas sa mga susunod na linggo.

Hindi pa naman malinaw kung nagkaroon ng direktang contact si Pangulong Duterte sa nasabing indibidwal.

Ngayong araw ay sasailalim sa COVID-19 test si Pangulong Duterte.

Read more...