(updated July 3,2015 12:02pm) Nadagdagan pa ang mga lugar na nakataas ang public storm warning signal number 1 dahil sa bagyong Egay.
Sa update ng Pagasa, ang signal number 1 ay sa mga lalawigan Isabela, Cagayan kabilang ang Calayan at sa Babuyan group of Islands.
Napanatili pa ng bagyong Egay ang lakas nito habang papalapit sa Northern Luzon.
Sa weather bulletin ng Pagasa, huling namataan ang bagyong Egay sa 310 kilometers Northeast ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers kada oras. Kumikilos ito sa direksyong Northwest sa bilis na 13 kilomters kada oras.
Bukas ng umaga, inaasahang nasa 260 kilometers East ng Tuguegarao City sa Cagayan ang bagyo./ Dona Dominguez-Cargullo