Tom Hanks, misis na si Rita Wilson nagpositibo sa COVID-19

Kapwa nagpositibo sa sakit na COVID-19 ang aktor na si Tom Hanks at asawa niyang si Rita Wilson.

Mismong ang aktor ang nagkumpirma nito sa pamamagitan ng post sa kaniyang Instagram account.

Ayon sa 63 anyos na aktor, siya at ang kaniyang asawa ay nasa Australia.

Nakaramdam sila ng panghihina, sipon, at pananakit ng katawan. Ang kaniyang asawa na si Rita ay nilagnat din.

Dahil dito ay kapwa sila nagpasuri at nang lumabas ang resulta ay positibo sila sa COVID-19.

Magpapatuloy ang serye ng tests sa mag-asawa na kapwa nakasailalim sa isolation.

Read more...