US Pres. Donald Trump nagpatupad ng travel ban sa lahat ng biyahero mula sa mainland Europe

Nagpatupad ng travel ban si US President Donald Trump sa lahat ng biyahero mula sa mainland Europe sa loob ng 30 araw.

Ang travel ban ay bahagi ng hakbang para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sinabi ni Trump na hindi naman sakop ng travel ban ang mga biyahe mula sa United Kingdom.

Ang anunsyo ay ginawa ni Trump sa pamamagitan ng public address.

Ayon kay Trump nabigo ang European Union na aksyunan agad ang outbreak ng sakit.

Karamihan din sa naitalang kaso ng COVID-19 sa US ay mula sa European travelers.

Read more...