Ito ay para makapagsagawa ng disinfection at paglilinis sa nasabing mga pasilidad.
Ayon kay Finance Secretary Carlos G. Dominguez III na nakasailalim sa self-quarantine, ang DOF building sa Maynila ay sasailalim sa “total disinfection.”
Sa sandaling makumpleto ang disinfection ay saka muling magbubukas ang DOF.
Inatasan din ni Dominguez ang lahat ng DOF-attached agencies gaya ng Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR), at Bureau of Treasury na magsagawa ng disinfection sa kanilang pasilidad ngayong weekend.
Samantala, ang pasilidad ng BSP ay sasailalim din sa lockdown para magsagawa ng disinfection.
Maging ang state-run pension fund na GSIS sa sa Pasay City ay sarado din muna.
Ayon sa abiso ng GSIS lahat ng kanilang miyembro, pensioners, at iba pang kliyente ay maaring gamitin ang online channels at platforms para sa records verification, inquiries, at iba pang transaksyon.