Ikalimang kaso ng COVID-19 sa QC kinumpirma ni Mayor Belmonte

Lima na ang naitalang positibo sa sakit na COVID-19 na residente ng Quezon City.

Kinumpirma ni Mayor Joy Belmonte na isang 26 anyos na lalaki ang nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod.

Residente ito ng Brgy. Bagong Lipunan ng Crame.

Ang mga naunang kaso ng COVID-19 sa lungsod ay pawang residente ng Baler Street sa District 1, isang condominium sa Timog-Tomas Morato, at sa Project 6.

Ang ikaapat na kaso naman ay isang 27 anyos na duktor na residente din sa lungsod.

 

 

Read more...