Lebanon nagsuspinde na ng flights dahil sa COVID-19

Nagsuspinde na ng biyahe ng mga eroplano sa Lebanon dahil sa paglaganap ng COVID-19.

Ayon kay Prime Minister Hassan Diab lahat ng biyahe sa Lebanon mula at patungong Italy, South Korea, Iran at China ay suspendido na.

Ititigil din ang mga biyahe mula France, Egypt, Syria, Iraq, Germany, Spain at United Kingdom.

Papayagan pa rin namang makapasok sa Lebanon ang mga Lebanese at kanilang pamilya, mga diplomats, at mga kinatawan ng international organisations, gayundin ang mga UN peacekeepers.

Ang Lebanon ay mayroong 61 kaso ng COVID-19.

May naitala na ring dalawang nasawi sa nasabing bansa.

Read more...