San Juan Bridge bukas na muli sa mga motorista

Matapos isailalim sa mahigit isang taon na reconstruction ay bukas na muli sa mga motorista ang San Juan Bridge.

Pormal na binuksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tulay na isinailalim sa mahigit isang taon na pagsasara.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, fully-restored na ang tulay.

Nilagyan din ito ng 1.5-meter sidewalk sa magkabilang panig para madaanan ng mga pedestrian.

Ang bagong ayos na tulay ay nagkukunekta sa Old Sta. Mesa Street sa Maynila at N. Domingo Street sa San Juan.

Tinatayang aabot sa 8,000 hanggang 10,000 motorista ang dumadaan dito kada araw.

Read more...