Naitalang temperatura sa ilang bahagi ng bansa kahapon umabot sa mahigit 36 degrees Celsius

Nakapagtala muli ng mainit na temperatura ang PAGASA sa ilang bahagi ng bansa kahapon araw ng Miyerkules, March 11.

Ayon sa PAGASA, ang limang lugar kung saan nakapagtala ng highest temperatures kahapon ay ang mga sumusunod:

Cotabato City – 36.6 degrees Celsius
General Santos City – 36.4 degrees Celsius
Tagum City – 36.1 degrees Celsius
San Jose, Occidental Mindoro – 35.8 degrees Celsius
Camiling, Tarlac – 35.5 degrees Celsius

Sa Metro Manila, bahagyang bumaba ang naitalang maximum na temperatura kahapon na umabot lang sa 33.6 degrees Celsius sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.

Ang heat index na naitala sa Quezon City ay umabot sa 38 degrees Celsius ganap na alas 1:00 ng hapon.

Read more...