Ayon sa Light Rail Manila Corporation, natapos na ang pagsasagawa ng pre-cast yard at staging area kasama ang pillars
sa kahabaan ng Dr. Santos Station hanggang MIA Station.
Oras na matapos ang 11.7-kilometer project, inaasahang maseserbisyujhan nito ang nasa 800,000 pasahero kada araw.
Mula rin sa isang oras at 10 minutong biyahe mula Baclaran at Bacoor, bababa na ang travel time sa 25 minuto.
Sa pagpapatuloy ng konstruksyon, pansamantalang isasara ang inner most lane (northbound) sa CAVITEX – Paranaque
bridge mula March 17 hanggang 31.
Layon nitong bigyang daan ang nakatakdang test pit works kasama ang bridge at pipe inspection para sa proyekto.
Katuwang ng LRMC sa proyekto ang Department of Transportation (DOTr) at Light Rail Transit Authority (LRTA) sa ilalim
ng “Build Build Build” program.