DOF Sec. Dominguez, nag-self isolate matapos makasalamuha ang isang pasyente na positibo sa COVID-19

Naka-self isolate na ngayon si Finance Secretary Carlos Dominguez matapos makasalamuha ang isang pasyente na
positibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, sa abiso ni Dominguez, wala naman siyang sintomas ngayon ng
COVID-19.

Nakasalamuha ni Dominguez ang nagpositibo sa COVID-19 noong Huwebes at Biyernes.

Kusa aniyang nag-self isolate ang kalihim hanggat hindi pa nagpapasuri.

Hinimok pa ni Dominguez ang kanyang mga nakasalumuha na sumunod na rin sa kanyang hakbang na mag-self isolate.

“I was told that a fellow I met with last Thursday & Friday last week has tested positive for COVID-19 today. I have no
symptoms but am self/isolating until I get tested. You may wish to follow suit,” sinabi ni Lambino na pahayag ni Domiguez.

Read more...