Ayon kay Garin, sa ilalim ng batas ay kada taon isinasagawa ng flu vaccine sa mga nakatatanda.
Ang pneumonia vaccine naman aniya ay itinuturok pagsapit ng 60 taong gulang ng senior citizen at kada limang taon matapos ito.
Mayroon aniyang bakuna rito na nasa pangangalaga ng DOH pero kapag tinanong sa mga Regional Health Unit ng kagawaran ay wala sila nito.
Kaya sabi ni Garin na dating Health chief, kailangan na itong ipamahagi kaysa naman ma-expire ang mga ito.
Paliwanag pa niya, makatutulong ito sa mga nakatatanda bilang sila ay prone sa kinatatakutang COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES