BREAKING: Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, umabot na sa 49

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ng karagdagang 16 bagong kaso ng Coronavirus Disease
(COVID-19) sa bansa.

Sa press conference, sinabi ni Health Assistant Secretary Ma. Rosario Vergeire na 49 na ang kabuuang bilang ng
COVID-19 cases sa bansa.

Patuloy naman aniyang tinututukan ng kagawaran ang lagay ng mga pasyente para matiyak na walang maging komplikasyon sa kanilang paggaling.

Sa ngayon, sinabi ng DOH na hindi pa nila masasabi na mayroon nang community transmission sa bansa.

Wala pa rin anilang naiuulat na hospital-acquired transmission ng sakit.

Nag-deploy na rin ang kagawaran ng surveillance teams para magasagawa ng extensive information-gathering at contact tracing activities sa mga bagong kaso.

Sa ngayon, stable naman ang kondisyon ng 25th, 28th, 30th at 33rd patient.

Naka-intubate naman at mayroong cardiovascular at endocrine conditions ang 29th patient na kilalang contact ng 9th patient.

Read more...