Kumalat na impormasyon na pinaghahanda ng ready-to-eat food ang publiko, hindi totoo – DOH

Pinasinungalingan ng Department of Health (DOH) ang kumakalat na impormasyon na pinaghahanda na umano ang publiko ng ready-to-eat food.

Nilinaw ng kagawaran na wala silang inilabas na abiso na ipinag-utos sa publiko ang pag-stock ng ready-to-eat food bunsod ng umano’y pagpapatupad ng lockdown sa Metro Manila dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Paalala ng DOH, bisitahin ang kanilang opisyal na website o social media accounts para makakuha ng mga beripikadong abiso at impormasyon ukol sa sakit.

Narito ang mga sumusunod na account ng DOH:
Website: https://www.doh.gov.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/
Twitter: https://twitter.com/DOHgovph

Read more...