Buong lalawigan ng Rizal, #walangpasok hanggang March 19

Sinuspinde na ang klase sa buong lalawigan ng Rizal.

Ito ay bahagi pa rin ng pag-iingat sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa inilabas na memorandum ni Governor Rebecca Ynares, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan simula sa March 12 hanggang March 19.

Sa isang linggong suspensiyon ng klase, layong mabigyan ng panahon na ma-sanitize ang mga paaralan at bahay ng mga taga-Rizal.

Makatutulong aniya ito para maiwasan ang community transmission ng sakit.

Pinayuhan din ng gobernador ang mga residente ng Rizal na:
– Manatili muna sa bahay at iwasan ang pagpunta sa mga mall
– Laging maghugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig
– Iwasang makipag-handshake at beso-beso
– Manatilihin ang isang metrong layo sa sinumang may ubo at sipon

Tiniyak naman ni Ynares na nagpapatupad na ng precautionary measures para sa kaligtasan ng mga Rizaleño laban sa naturang virus.

Read more...