Palasyo sa publiko: Huwag mag-panic buying

Umaapela ang Palasyo ng Malakanyang sa publiko na huwag mag-panic buying sa gitna ng banta ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, dapat na bumili lamang ang taong bayan ng mga pangangailangan at hindi ang sobra-sobrang suplay.

Sinabi pa ni Panelo na dahil sa panic buying, magdudulot lamang ito ng hoarding at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Nagbigay na aniya ng garantiya ang Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang suplay sa merkado ng essential items.

Kamakailan lamang, kumalat sa social media ang mga video ng panic buying kung saan nagkakaubusan ng suplay sa alcohol, hand santizer, face mask at iba pa.

Umaapela pa ang Palasyo sa publiko na makipag-tulungan sa pamahalaan at iwasan ang pagbabahagi ng mga hindi beripikadong impormasyon dahil magdudulot lamang ito ng panic.

Dapat din aniyang siguruhin ang malinis na pangangatawan at i-observe ang tamang pag-uugali sa pag-ubo, pagbahing at iba pa.

“The Palace likewise appeals to our people to buy only what they need. There are reports of panic-buying in some supermarkets, groceries or pharmacies. This would only result in undue hoarding and price increases. Our officials from the Department of Trade and Industry (DTI) gave assurances that we have ample stock of essential items,” pahayag ni Panelo.

Read more...