Southern Leyte niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Yumanig ang magnitude 3.2 na lindol sa San Francisco, Southern Leyte Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 5 kilometers Northwest ng San Francisco bandang 1:55 ng hapon.

10 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na nasira sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...