Ayon kay Belmonte, misleading ang ulat ng isang network lalo pa at labas sa kaniyang kapangyarihan ang pagpapatupad ng lockdown.
“The report by Dexter Ganibe of ABS-CBN News is misleading since the local government is not mulling to nor even authorized to place the city under lockdown,” ayon kay Belmonte.
Paglilinaw ni Belmonte sa panayam sa kaniya, sinabi niyang pinag-aaralan ng task force ang posibleng epekto sa lungsod kung magkakaroon ng lockdown.
Ito ay para kanilang mapaghandaan.
Sinabi rin ng alkalde na may inatasan na siyang team para pag-aralan ang iba’t ibang pamamaraan ng lockdown na ipinatutupad sa ibang mga bansa gaya ng China at Italy.
“I ordered the study despite indication from President Duterte that a lockdown of Metro Manila is not necessary at the moment so we will be ready for any eventuality,” ayon kay Belmonte.
Wala umano siyang nabanggit na sa panayam na may plano siyang magpatupad ng lockdown sa lungsod.