Pangulong Duterte handang makipagpulong sa mga Ayala at Pangilinan sa harap ng publiko

Photo grab from PCOO Facebook live video
Makikipag-usap si Pangulong Rodrigo Duterte sa may-ari ng Maynilad at Manila Water.

Pero ayon sa pangulo, dapat na gawin ang kanyang pakikipagpulong kina Fernando Zobel De Ayala na may-ari ng Manila Water at Manny Pangilinan na may-ari ng Maynilad sa harap ng publiko.

Ito ay para ayusin ang aniya’y maanumalyang kontrata na pinasok ng dalawang water concessionaire sa gobyerno.

Ayon sa pangulo, lahat ng violation sa anti-graft law ay nakapaloob sa kontrata ng Maynilad at Manila Water.

Katunayan, sinabi ng pangulo na ang kontrata ng dalawang kumpanya at laman ng anti-graft law ay parang iisang libro na lamang.

“Kita mo one after the other, sunod-sunod sila nag-apologize. Front page, pirmado, Ayala, Pangilinan, lahat. Sa mga milyonaryong ito, mautusan mo kaya mag-sorry sa iyo? Pero ito sunod-sunod. Alam mo bakit? Sinabi ko sa kanila, Hoy, p***** i** ninyo, ang dokumento ninyo pati ang Anti-Graft Law halos isang libro na lang. All the violations that you can think of or all the violations that you would ever know is there,” ayon sa pangulo.

Bagamat nakahanda na si Pangulong Duterte sa mga Ayala at Pangilinan, hindi naman nito ginagarantiyahan ang dalawang higanteng negosyante na maabswelto na sa kasong graft and corruption.

Maari kasi aniyang mayroong mga pribadong indibidwal ang maghahain ng asunto laban kina Ayala at Pangilinan.

Read more...