Sen. Nancy Binay inirekomenda ang paggamit ng ‘Artista Power’ sa info drive sa COVID-19

Inihirit ni Senator Nancy Binay na maaring magsama-sama ang mga artista ng iba’t ibang television networks para sa information and awareness campaign ukol sa COVID-19.

Aniya sa kooperasyon ng mga networks maaring magtulong-tulong ang mga Filipino showbiz personalities para pangunahan ang kampaniya para lubos na maintindihan ang sakit.

Dagdag pa ng senadora maari din hikayatin ng mga entertainment personalities ang kanilang fans na tumulong para malimitahan ang pagkalat ng COVID-19.

Sinabi pa ni Binay na maaring makagawa ng infomercials ang mga artista at ibang talents na tiyak ay magkakaroon ng impact sa sambayanan Filipino.

Sa tulong din aniya ng media networks ay maaring maipakalat at maipalabas ang omnibus infomercials para malaman ng lahat ang maaring nilang gawin para malabanan ang sakit.

Puwede rin aniya kung makakasama ang mga sports, music at movie personalities maging ang mga social media influencers sa sinasabi niyang information and awareness campaign ukol sa COVID-19.

Read more...