Bilang ng nasawi sa gumuhong quarantine hotel sa China umakyat na sa 26

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa pagguho ng isang quarantine hotel sa China.

Ayon sa mga otoridad, may mga nakuha pang katawan ng tao mula sa gumuhong Xinjian hotel kaya umakyat na sa 26 ang death toll.

Mayroon pang tatlong pinaghahanap at pinaniniwalaang natabunan ng mga debris.

Ang anim na palapag na hotel ay gumuho noong Sabado ng gabi.

Ayon sa Ministry of Emergency Management ilegal na itinayo ang hotel at may mga ilang ulit nang paglabag.

Read more...