Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na makagagawa na ang mga mayayamang bansa ng vaccine kontra sa coronavirus disease o COVID-19.
Sa talumpati ng pangulo sa General Assembly of the League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa Pasay City, sinabi nito na siguradong nagkukumahog na ngayon ang Russia, America at Japan sa para makabuo ng vaccine.
Tiiyak aniyang araw na lamang ang bininilang ngayon para mabuo ang vaccine lalo’t masyadong advance na ngayon ang siyensya.
Kaya na aniya ng mundo na makalikha ng gamot na pangontra sa mga sakit gaya ng COVID-19.
Dagdag ng pangulo, brightest of the brightest ang Amerika, Russia at Japan pagdating sa siyensya.
“With the great strides now of science, in a matter of days, I’m sure that Russia where the brightest of the brightest, America, Japan, they are working overtime to come up with the vaccine. It takes time pero kaya na ng mundo, kaya na ng mga gobyerno, especially those who are rich in technology,” ayon sa pangulo.