The Medical City hindi muna mag-aadmit ng PUIs sa COVID-19

Hindi na muna mag-aadmit ng mga itinuturing na patients under investigation (PUIs) ang The Medical City sa Pasig.

Ayon sa pamunuan ng ospital, effective immediately ang utos na hindi muna tatanggap ng PUIs admission sa pagamutan.

Ito ay dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases na na-admit sa The Medical City.

Sa ngayon sinabi ng pamunuan ng ospital na mayroon pang naka-admit sa kanila na tatlong COVID-19 patients at ilan pang PUIs.

Aminado ang pamunuan ng ospital na hindi sapat ang available manpower nila para mapangalagaan ang mga dagdag pang pasyente.

Tiniyak naman ng ospital na susuriin pa rin nila ang lahat ng pasyenteng magtutungo sa pagamutan.

Inatasan nan ang Emergency Room team ng ospital na i-refer sa ibang private o government hospitals ang lahat ng pasyente na makukumpirmang positibo sa COVID-19 at ang mga PUIs na may sintomas na mangangailangan ng admission o confinement.

 

 

Read more...