5 sa 33 kaso ng COVID-19 cases mula sa Marikina City

Residente ng Marikina City ang 5 sa 33 kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, ang unang kaso ng COVID-19 sa Marikina ay ang isang senior citizen na American national.

Nagpositibo na rin sa COVID-19 ang asawa nito at ilan nilang kasambahay.

Ang lalaking American national ay galing ng San Diego, California at dumaan ng South korea bago bumalik ng Pilipinas noong February 19.

Puspusan na ang ginagawang contact-tracing ng local government katuwang ang Department of Health.

Read more...