Sinabi ni Vargas na isa sa mga may-akda ng batas, na mas secure ang mga empleyado kung sa mismong tahanan na lamang muna sila magtatrabaho upang mabigyang pansin ang health concerns ng publiko.
Bagamat ang orihinal na layunin ng batas na Republic Act 11165 o Telecommuting Act ay para tugunan ang matinding traffic sa Metro Manila, naniniwala si Vargas na isa rin ito sa paraan para maiwasan ang pagkalat ng corona virus at para makaiwas sa sakit ang publiko.
Makakatulong din ang telecommuting para sa mas mabilis na pag-contain sa virus at sa ginagawang contact tracing ng mga otoridad na posibleng nakasalamuha ng mga pasyenteng kumpirmadong may COVID-19.
Sa ilalim ng telecommuting program, pinapayagan ang mga employers sa pribadong sektor na bigyan ng option ang mga empleyado nito para sa telecommuting na hindi maaapektuhan ang benepisyo, working hours, dami ng trabaho at security of tenure na katulad sa mga empleyado na nagtatrabaho sa mga opisina.
Ang panawagan ay kasunod na rin ng mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases sa bansa.