Dumulog sa tanggapan ni COOP-NATCO Partylist Rep. Sabiano Canama ang grupo para hilinging ma-imbestigahan ‘in aid of legislation’ ang anila ay ilegal na operasyon ng mga kumpanyang ito na sakop ng naturang memoranda.
Ayon kay Atty. Cesar Evangelista, ang legal counsel ng grupo, hindi patas para sa hanay ng mga regulated transport service cooperatives ang operasyon ng mga kooperatibang saklaw ng LTFRB circular dahil unang-una, hindi kumpleto ang kanilang license to operate.
Iginiit ni Evangelista na lubhang maaapektuhan ang operasyon ng mga kooperatiba kapag hindi binawi ang kautusan ng LTFRB.
Dagdag pa nila maliban sa tourist transport, nag-ooperate din umano ang mga travel companies na ito bilang shuttle servies ng mga private companies gaya ng POGO o iba pang mga transport services nang hindi gumagamit ng certificate of public convenience para makapag-operate.
Nais ng NFTTSC na imbestigahan ng House Committee on Cooperatives Development ang kanilang reklamo at ipatawag ang lahat ng mga concerned parties.
Bukas naman ang komite ni Canama para mapa-imbestigahan ang usapin.