Naglabas ang Philippine National Railways o PNR ng protocol kaugnay sa patuloy na banta ng COVID-19 sa ating bansa.
Ayon kay Joseline Geronimo, ang tagapagsalita ng PNR, isa sa mga ipinatutupad na ng PNR ay ang pagsasagawa ng thermal screening sa lahat ng mga pasahero bago makapasok sa istasyon.
Sinabi ni Geronimo na ang sinumang pasahero na mayroong body temperature na 38 degrees Celsius ay hindi pasasakayin sa tren.
Mayroon naman aniyang mga alkohol sa lahat ng PNR stations para magamit ng mga pasahero at mga empleyado.
Dagdag ni Geronimo, bahagi ng PNR protocol ang disinfection ng lahat ng mga tren.
Pupunasan ng disinfecting solution ang mga hand rail at train surfaces; lilinisin ang mga sahig; at may spraying ng disinfectant sa mga bagon.
Ani Geronimo, ang mga nabanggit ay gagawin sa mga tren pagkatapos ng bawat loop o ikot ng biyahe, at isasagawa ang procedure sa mga PNR station sa Tutuban, Governor Pascual at Naga.
Inaasahan naman na tatagal ang procedure ng labinlimang minuto.