Kwarto sa New Clark City na ginamit ng 2 repatriates na nagpositibo sa COVID-19 isinailalim sa decontamination

FILE PHOTO

Nagsagawa na ng decontamination sa ginamit ng kwarto ng dalawang Pinoy repatriates sa New Clark City sa Capas, Tarlac na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay DOH Region 3 Director Cesar Cassion, ang dalawang repatriates na kapwa kasama sa mga inilikas sa MV Diamond Princess ay nagpapagaling ngayon sa ospital.

Nagsagawa na ng decontamination sa kwartong kanilang ginamit para ma-contain ang pagkalat ng virus.

Maliban sa dalawang repatriates, mayroon pang isang kaso ng COVID-19 sa Central Luzon.

Ito ay dahil isa sa mga 33 kaso ng COVID-19 sa bansa ay residente ng San Jose Del Monte City sa Bulacan.

Ang naturang pasyente ayon kay Cassion ay nasa ospital sa Metro Manila at stable na ang kondisyon nito.

Nagpapatuloy pa ayon kay Cassion ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente.

 

 

 

Read more...