Lockdown ipinatutupad sa Wack Wack Golf and Country Club; dayuhang guest nagpositibo sa COVID-19

Isinailalim sa lockdown ang Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City.

Ito ay makaraang isa sa dayuhang guest nila ang nagpositibo sa COVID-19 nang ito ay makabalik sa Singapore.

Sa liham na ipinadala sa mga miyembro sinabi ni Wack Wack President Lawrence Tan, habang nakasara ay isasailalim sa sanitation at pag-disinfect ang Golf and Country Club.

March 2 nang magtungo sa Wach Wach ang dayuhan na inimbitahan ng isang miyembro ng club.

Hindi naman gumamit ng locker room ang guest pero ang miyembro na nag-imbita sa kaniya ay minabuting ipabatid sa pamunuan ng club na nagpositibo ito sa COVID-19 nang umuwi ng Singapore.

Isinailalim na sa quarantine ang dalawang caddies na nagsilbi sa miyembro at dayuhang guest.

Read more...