Health minister ng UK nagpositibo sa COVID-19

Positibo sa COVID-19 ang health minister ng United Kingdom na si Nadine Dorries.

Nakasailalim na sa isolation ang opisyal matapos makumpirmang positibo sa sakit.

Ayon kay Dorries, nagsasagawa na ng contact tracing ang Public Health England sa kaniyang mga nakasalumha.

Isinara na rin muna ang kaniyang parliamentary office.

Nagpapasalamat naman si Dorries sa mga nananalangin para sa kaniyang paggaling.

Mas nag-aalala umano siya sa kaniyang 84 anyos na ina na nag-aalaga sa kaniya ngayon dahil may sintomas na rin ito ng ubo.

Read more...