Lahat ng 90 catholic schools na sakop ng Archdiocese ng San Francisco ipasasara muna dahil sa COVID-19 scare

Nagpasya ang Archdiocese ng San Francisco na ipasara muna ang lahat ng 90 Catholic schools na kanilang nasasakupan simula sa Huwebes.

Ayon sa Archdiocese, kinumpirma ng San Francisco Public Health na isa sa mga estudyante ang nagpositibo sa coronavirus.

Maapektuhan ng closure ang mga estudyante mula sa 90 paaralan sa Marin, San Francisco at San Mateo counties.

Tatagal ang pagsasara hanggang sa March 25, 2020.

Kasama ring kanselado ang lahat ng school events gaya ng field trips, fundraisers at community events.

Read more...