Water level ng Angat dam nabawasan pa sa magdamag
By Dona Dominguez-Cargullo March 11, 2020 - 07:09 AM
Nabawasan pa sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.
Sa update ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Miyerkules (March 11) ay nasa 200.72 meters ang water level ng Angat dam.
Nabawasan din ang water level ng La Mesa dam na nasa 77 meters.
Habang nadagdagan naman ang antas ng tubig sa Ipo dam na nasa 100.16 meters
Ang iba pang mga dam sa Luzon ay pawang nabawasan ang water level maliban lamang sa Binga dam na bahagyang nadagdagan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.