St. Peter’s Square sa Vatican isinara muna sa mga turista

Courtesy of Vatican News
Isinara muna sa mga turista at guided groups ang St. Peter’s Square at ang St. Peter’s Basilica sa Vatican City.

Ito ay bahagi ng hakbang para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Sa pahayag ng Vatican, isasara din muna ang post office area na kabilang sa dinarayo ng mga turista.

Maging ang bookstore at photo service ay hindi rin muna papayagang mapasok.

Epektibo hanggang sa April 3 ang closures at muli na lang maglalabas ng panibagong abiso ang Vatican.

Read more...