Naitalang temperatura sa ilang bahagi ng bansa kahapon umabot sa mahigit 36 degrees Celsius

Nakapagtala muli ng mainit na temperatura ang PAGASA sa ilang bahagi ng bansa kahapon araw ng Martes, March 10.

Ayon sa PAGASA, ang limang lugar kung saan nakapagtala ng highest temperatures kahapon ay ang mga sumusunod:

Camiling, Tarlac – 36.2 degrees Celsius
Cotabato City – 35.0 degrees Celsius
Hacienda Luisita, Tarlac City – 35.0 degrees Celsius
Science City of Muñoz – 34.6 degrees Celsius
Tagum City – 34.6 degrees Celsius

Sa Metro Manila, naitala ang 34.2 degrees Celsius sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.

Ang heat index na naitala sa Quezon City ay umabot sa 39 degrees Celsius ganap na alas 2:50 ng hapon.

Read more...