Agno, Pangasinan dalawang beses na niyanig ng lindol

Dalawang beses na niyanig ng lindol ang lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.3 na pagyanig sa 84 kilometers Southwest ng bayan ng Agno, alas-3:29 madaling araw ng Miyerkules (March 11) at may lalim na 8 kilometers.

Sumunod naman na naitala ang magnitude 3.6 na pagyanig sa 84 kilometers Southwest sa bayan pa rin ng Agno, alas-3:31 ng madaling araw at may lalim na 3 kilometers.

Tectonic ang origin ng dalawang pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...