Davao Occidental at Davao Oriental niyanig ng lindol

Niyanig ng lindol ang mga lalawigan ng Davao Occidental at Davao Oriental.

Unang naitala ang magnitude 3.3 na pagyanig sa lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 167 kilometers Southeast ng bayan ng Sarangani, alas-2:44 madaling araw ng Miyerkules (March 11).

May lalim na 21 kilometers ang pagyanig.

Samantala, magnitude 3.6 naman na pagyanig ang naitala sa lalawigan ng Davao Oriental.

Naitala naman ito sa 90 kilometers Southeast ng bayan ng Tarragona, alas-3:52 madaling araw at may lalim na 16 kilometers.

Tectonic ang origin ng dalawang pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...