Ayon sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw ang mga lalawigan ng Isabela, Quirino, Aurora, at Quezon ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa Tail End of a Cold Front.
Ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at nalalabi pang bahagi ng Cagayan Valley ay makararanas lamang ng mahihinang pag-ulan dahil sa amihan.
Habang ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas ng localized thunderstorms dahil sa easterlies.
Kaninang madaling araw, nakaranas na ng pag-ulan dulot ng thunderstorms ang ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.