Ayon kay Bulacan Gov. Daniel Fernando, ang unang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ay mula sa San Jose Del Monte City.
Agad aniyang nagsagawa ng contact tracing ang Provincial Health Office para matukoy ang mga nakasalamuha ng pasyente.
Naka-admit ngayon ang pasyante sa isang ospital sa Metro Manila.
Pinayuhan ni Fernando ang mga residente sa Bulacan na iwasan ang mag-panic dahil wala itong buting maidudulot.
Iwasan din muna ang magpunta sa mga matataong lugar at ipinagbabawal muna ang pagdaraos ng malakihang pagtitipon.
Samantala nanawagan naman si SJDM Rep. Rida Robes at Mayor Arthur Robes sa mga residente na huwag mag-panic.
Pinayuhan din silang sundin lang ang mga alituntunin na inilatag ng DOH.