Capoocan, Leyte tatlong beses niyanig ng lindol

Tatlong beses na niyanig ng lindol ang lalawigan ng Leyte.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.0 na lindol sa 2 kilometers Southwest ng bayan ng Capoocan, ala-1:12 madaling araw ng Miyerkules (March 11) at may lalim na 3 kilometers.

Sumunod na naitala ang magnitude 4.4 na pagyanig sa 7 kilometers Southwest ng bayan pa rin ng Capoocan, ala-1:16 ng madaling araw at may lalim na 5 kilometers.

Naitala ang intensity 4 sa Capoocan, Leyte at intensity 3 sa Cabucgayan, Biliran.

Naitala rin ang instrumental intensity 2 sa Ormoc City at intensity 1 sa Palo, Leyte; Borongan, Eastern Samar; Cebu City

Magnitude 3.2 naman ang naitala sa 9 kilometers West ng bayan pa rin ng Capoocan, alas-2:11 ng madaling araw at may lalim na 20 kilometers.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at inaasahang aftershocks bunsod ng tatlong pagyanig.

 

 

Read more...