Divilacan, Isabela niyanig ng magnitude 3.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang lalawigan ng Isabela.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 51 kilometers Northeast ng bayan ng Divilacan, ala-1:46 madaling araw ng Miyerkules (March 11).

May lalim na 15 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...