Isa pang Pinoy worker sa Hong Kong nagpositibo sa COVID-19

Isa pang Filipino na nagtatrabaho sa Hong Kong ang nagpositibo sa sakit na COVID-19.

Ayon sa Philippine Consulate General sa Hong Kong ito na ang ikalimang Pinoy sa Hong Kong na napositibo sa naturang sakit.

Ang nasabing Pinoy worker ay asymptomatic at nagpapagaling na ngayon sa ospital.

Sa ngayon, apat na pasyenteng Pinoy na positibo sa COVID-19 sa Hong Kong ang nasa ospital pa, dahil ang isa ay nakalabas na ng pagamutan.

Samantala, mayroon namang tatlong Pinoy pa ang nananatiling naka-quarantine dahil sa pagkakaroon ng contact COVID-19 positive patients.

Tiniyak ng Philippine Consulate General sa Hong Kong na napagkakalooban ng karampatang tulong ang nasabing mga Pinoy.

Read more...