Sa inilabas na pahayag, sinabi ng TV network na ito ay kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng State of Public Health Emergency bunsod ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Suspendido muna ang pagtanggap ng live studio audiences sa programang All-Out Sundays, Centerstage, Mars Pa More, Wowowin, Wowowin Primetime, Idol sa Kusina, The Boobay and Tekla Show, Sarap ‘Di Ba? at Tonight With Arnold Clavio.
Dagdag pa ng istasyon, “on hold until further notice” ang lahat ng external activities ng TV network sa Metro Manila.
Layon anila nitong makatulong na matiyak ang kaligtasan ng lahat ng bahagi ng GMA Network.
Bahagi rin anila ito ng kooperasyon ng istasyon sa aksyon ng gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Hinikayat naman ng GMA network ang publiko na manatiling kalmado at sumunod sa mga opisyal na abiso ng mga otoridad.