Ito ang isinagot ni Sotto sa mga pangamba na maaring maputol ang pakikipag-alyansa nito sa Malakanyang dahil sa inihaing petisyon sa Korte Suprema para bigyang linaw ang karapatan ng Senado na suriin muna ang mga tratado na nais talikuran ng Palasyo.
Iginiit din ng senador na pangangalagaan niya ang kalayaan ng Senado sa kabila ng banta na mawala sa mga alyansa at suporta at ito aniya ang iiwan niyang tatak sa kanyang pamumuno sa Senado.
Aniya, nais lang nilang panindigan ang ‘sense of the power of the Senate’ na alam nilang taglay ng Senado bilang ‘co equal branch’ ng Ehekutibo at Hudikatura.
Sinabi nito na napakahalaga na nakokonsulta ang Senado sa pagtalikod sa mga kasunduan dahil kailangan ang pagsang-ayon ng mga senador para magkabisa ang anumang pakikipagkasundo sa ibang bansa.